BienthoughtsMuyBienthoughts

one stupidity at a time won't hurt, will it?

Que Sera, Sera.


Ilang araw ko na din pinipilit na magsulat tungkol sa nararamdaman ko ngayon. Nitong mga nakaraang araw kasi, sobrang nasa height ako ng aking emotions. Sobrang saya ko, sobrang inspire, sobrang into it, sobrang in love, lahat yata sobra. Medyo nawala ako sa focus. Bigla-bigla na lang nagbago ang normal na takbo ng aking buhay. Siguro masasabi ko na kahit papaano, nagkaroon ako ng mas malinaw na direksyon. Kung noon eh puro pansariling kaligayahan lang ang hinahanap ko, iba pa rin pala kung may isang tao na pinanggagalingan ng kaligayahan mo, syempre bukod sa iyong pamilya at mga malalapit na kaibigan.

Hindi naman bago sa akin ang ganitong pakiramdam, nagmahal na din naman ako noon. Pero kasi sa tagal na panahon na rin mula ng magmahal ako, akala ko dati manhid na ako. Matagal ko ring hinanap yung ganitong pakiramdam, nakakamiss din pala. Yun bang tipong para kang teenager na naguumpisa pa lang magmahal. Kinikilig, nagba-blush, nagseselos, naglalambing, sensitive, gullible, vulnerable, lam mo yun?

Pero sa pagkakataong ito – iba. Unang-una dahil mas matured na siguro ako ngayon. Pangalawa, and let me quote, unquote this: “hindi ito isang uri ng pag-ibig na sumasabay sa dikta at alon ng kinasanayan nating kultura”. Yun na! Mas maraming bago akong natututunan, mas maraming pagbabagong unti-unti kong nakakasanayan at hinahanap-hanap. May mga bagay na handa akong isakripisyo at may mga taong handa kong harapin para sa pag-ibig na ito. And the rest of the world I am ready to conquer shall they interfere or judge!

Sabi ng isang kaibigan, hindi daw dapat ibinibigay ng buo sa isang tao ang iyong pag-ibig. Kailangan daw magtira para sa iyong sarili para kapag dumating ang panahon na iwanan o pagsawaan ka niya, hindi ka mawawala, hindi ka magmumukhang kawawa, hindi ka sobrang masasaktan.

Pero ibang-iba ang pananaw ko sa aspetong iyan. Para sa akin kasi, you can’t call it love if you’re only giving a part of what you have, it’s not love if it’s not unconditional. Mas gusto kong ibigay ng buong-buo kung ano ang meron ako at handa akong masaktan. Handa ako sa kung ano ang mangyayari pagdating ng bukas. Oo, masasaktan nga ako pero lilipas din naman iyon pagtagal. Basta para sa akin, mas gusto kong isipin ang Ngayon, habang nandito pa, habang nararamdaman ko pa, habang hindi pa siya nagsasawa, habang ako lang, habang sa bawat araw na kasama ko siya ay lumilipad ako sa alapaap, habang ang rason ng aking bawat paggalaw ay siya, ibibigay ko ito ng buo at walang halong pagdadalawang-isip. Kung hindi man ito maging matagumpay pagtagal, magsisimula ako ng panibagong buhay ng walang-wala. Hindi naman mahalaga iyon.

Eh di magsimula ulit.

Pero syempre puno ako ng pag-asa ngayon na magtatagumpay kami at magtatagal. Siguro ito yung isang pinagkaiba ng dati kong mga naging relasyon – hindi ako nagkaroon ng isang direksyong tatanawin pagdating ng mga susunod na bukas. Ngayon lang ako nagplano, ngayon lang ako nagkaroon ng pag-asang kahit na anong mangyari, kakapit ako ng mahigpit. At Oo, walang pag-aalinlangan, aaminin ko sa buong mundo na ngayon lang ako nagmahal ng tunay. Ngayon ko lang masasabi ng buong tapat na sa wakas, Oo, nagmamahal na ako. Ngayon lang ako naging masaya. Yun lang naman ang gusto ko talaga, ang maging masaya. Lahat naman tayo diba? I want this to last.

Sa ngayon- come what may, que sera, sera, whatever will be, will be na lang muna. Magmamahal ako ng tapat, magmamahal ako ng buong-buo, magmamahal ako ng walang pagdadamot, magmamahal ako na walang ibang laman ang aking puso kundi ang magpasaya at magparaya. Hindi ako kailanman naging mabuting tao pero sa pagkakataong ito, gagawin ko ang lahat para maging mabuting tao. Iingatan ko ang regalong ibinigay sa akin ng Diyos. Matagal din akong naghintay and it’s worth the wait. I am deeply in love – ang sarap pala talaga.

And so help me God. ;P

2011/08/16 - Posted by | Sari-saring Katangahan.

3 Comments »

  1. Aww.. Ikaw na in love. Sobrang in-love at sagad sagad sa ka-inlove-an. Haha. God bless your relationship.😀

    Comment by Yow | 2011/08/16 | Reply

  2. ay ang cheesy naman. :))

    Comment by annie | 2011/08/18 | Reply

  3. cheesy! hehe🙂

    Comment by adz adz | 2011/08/29 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: