BienthoughtsMuyBienthoughts

one stupidity at a time won't hurt, will it?

Bigla Na Lang Nag-blog Ng Kung-Anu-Ano.


Hindi na daw maglilimlim ang manok ng kanyang mga itlog

napagod na ito kakaupo gayong ilang buwan din naman niyang

binitbit sa tiyan niya ang mabibigat na mga bolang iyon.

hahayaan na lamang niya itong mapisa,

at mananalanging walang maging bugok sa mga ito.

 

******

 

Hindi na lamang siya magtatanong (ang “siya” ay tumutukoy naman sa isang tao, kung sinoman.)

hahayaan niyang sumampal na lamang sa mukha niya

ang katotohanang matagal na niyang iniiwasan.

Ayaw niyang malaman ang bawat detalye ng kanyang nakaraan (ang “kanyang” ay tumutukoy sa iniibig ng “siya” sa tulang ito, kung tula mang maituturing.)

sapagkat ang nakalipas ay hindi na dapat pang binabalikan

mas nais niyang gumawa ng mga bagong ala-ala

at maniwala na lamang na ang bawat pangako, bawat salita,

bawat halik, bawat haplos, bawat yakap at pangarap

ay totoo.

 

******

 

May magagawa ba ang bulaklak kung maisipan siyang pitasin,

o kaya’y kung bigla syang dapuan ng bubuyog para makipag-niig?

Isa itong pang-aabuso sa karapatan ng isang nilalang

na pumili ng kanyang makakapareha –

papaano kung pangit ang bubuyog na dumapo sa kanyang

malulusog na talulot? maaari ba siyang magpumiglas

at magsumbong kay Inang Kalikasan na

ang kanyang kagandahan at nilapastangan,

na ang kanyang bulaklak ay ginahasa?

 

******

 

Ito ang kanyang pangarap

ang magising isang umaga kasiping siya.

sa isang kamang malambot,

sa isang klimang malamig,

sa isang mapagparayang simoy ng hangin

habang sumisinghot-singhot, dumadahak-dahak,

dahil sa kanyang “allergic rhinitis”.

 

******

 

GF: Why do you love me?

BF: I have no reason

GF: No. Give me a reason

BF: Oh.okay. Because you’re beautiful, caring and attractive..

Girl was satisfied, Then one day she got sick
and look Terribly Thin, Pale and Weak

GF: Do you still love me?

BF: Now that you’re not pretty and attractive do i have a reason to love you?

Girl Cried. The boy hold her hand and say

BF: Now you Understand? Love doesn’t need reasons. I Love u and still love you no matter what Happens.

 

******

 

“Nasaktan ako dun.”

(tumutukoy sa pagiging tsismoso ng isang manunulat, imbes na wala syang alam at hindi siya nasasaktan, yan tuloy may nalaman sya at nasaktan.)

 

******

 

Walang kwentang mga posts di ba? Haha. ;D

 

******

 

-End

2011/09/21 - Posted by | Sari-saring Katangahan.

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: