BienthoughtsMuyBienthoughts

one stupidity at a time won't hurt, will it?

Ang Alamat Ng “Moving On”.


Okay. That was one hell of a journey. I know, I know this might sound a little awkward to say that I feel better now because it only has been 2 months since the “trauma” occurred but surprisingly, hypocrisy aside, I am okay now. Akala ko kasi noong simula hindi ko makakaya but here I am, excited to feel the feeling again of falling in love. But do not get me wrong, hindi naman agad-agad. Yan ang di ko pa kaya for now. I’m just excited to feel it again, excited lang. Basta!

Noong una akala ko hindi ko kayang magsimula ulet. Sa totoo lang, depression almost got me. Hindi ako makabangon, ang sama-sama ng loob ko -sa kanya – sa mundo – sa lahat. Pakiramdam ko binasura lang ako ng isang taong sobrang minahal ko ng buong-buo. Ni ayaw kong makita ang pangalan nya o maalala ang kahit ano tungkol sa kanya. Pinilit kong itago lahat ng sakit. Sinikap kong maging matatag kahit sobrang nahihirapan akong harapin ang katotohanang iniwanan lang ako ng isang taong akala ko eh mahal din ako pero waley naman pala. Imbyerna. haha. Hindi ko ma-explain yung sakit dahil siguro ito ang unang “heartache” ko sa buong buhay ko. Ito yung sobrang tagos sa ngala-ngala. Yung sobrang sagad sa left and right ventricles ko. Yun bang tipong araw-araw mong tinatanong sa sarili mo kung saan ka ba nagkamali, ano pa ba ang kulang, o sumobra ba, nasakal ko ba sya at kung anu-ano pang kadramahan sa buhay. Kaloka.

Pero pagtagal, unti-unti kong na-realize na hindi dapat ako nagmumukmok. I might be sad but I’m not weak. Hindi ako ganun katanga to let it ruin my life. Ganun talaga eh. May dumarating, may umaalis, may nawawala, may bumabalik. It is an endless cycle. Sa loob ng ilang araw, oo, aaminin ko na umiyak ako ng bonggang-bongga. As in “may I sob” ang drama ko na may kasamang pang “I cry myself to sleep” and a pinch of “Paalam na aking mahal” na background music. Samahan mo pa ng “Babalikang Muli” on the side with “Against All Odds” sprinkles on top. Sobrang disturbing. Hahahah. Eh ano magagawa ko? Ganun eh. Dun ako nako-comfort kahit papano. Lalo na kapag naririnig ko yung lyrics ng song na “Doors” and it goes a little something like this: “…Why do my heart just keep on beating, why does my arms just keep on reaching, for someone who’s no longer theeeeeeeeeeeere. What can I say besides I’m sorry. What can I say to change your mind. What can I do to make tomorrow, yours and mine…” Hahaha. Ramdam mo ba yung moment ko? Ganun kadrama. LOL.

Pero kung interesado kang malaman kung ano talaga ang laman ng puso ko ngayon, eto at iisa-isahin ko. Naghintay ako ng dalawang buwan para humupa ang emosyon dahil alam kong kung magsasalita ako habang nasa peak ako ng aking emosyon, marahil marami akong nasabing hindi maganda. But I was matured enough to remain silent. At dahil dyan, proud ako sa sarili ko. Wala akong sinabing kahit ano na masama tungkol sa kanya, at sa katunayan mas naghari ang respeto ko sa sarili ko at ang pagmamahal ko sa kanya noon kaya mas minabuti kong mag-pretend that everything will be fine and that I am okay and that I wasn’t hurting. Mahirap yun ah. Sobra.

Dumaan ako sa point na umaasa pa rin akong babalik sya. Nemen! Diba ganun talaga ang moving on stages? Hahaha. Nung matapos yung stage na yun, dumating ako sa point na naging bitter ako. So sa tuwing may naririnig akong kanta na nagpapaalala sa akin sa kanya, mega-iwas ako. O kaya kapag napapadaan ako sa isang lugar na minsan naming pinuntahan – pinipikit ko na lang ang mata ko at mumulat na lang kapag nakalagpas na. O minsan naman kapag may nakikita akong isang bagay, for example yung damit nya o yung tsinelas nya na naiwan nya sa bahay namin – hala – itapon natin yan dahil bitter na bitter ako. Hahaha.

But the bitterness stage did not last that long. Kasi after nun, kapag naaalala ko sya at yung moment kung paano nya sinabi sa akin na hindi na nya ako mahal – at kailangan na nya akong iwanan dahil wala na talaga – at yung moment kung papaano ako nagmakaawang wag nya akong iwan – pagkatapos ng bitterness stage, dun ko na naintindihan ang lahat-lahat. Kung bakit kailangan mangyari lahat yun. Kung papaanong bigla na lang mawawala ang pagmamahal mo sa isang tao at kung papaanong kahit gaano kalaki o kaliit ang binigay mong pagmamahal sa kanya eh hindi natin kayang pigilan kung ano ang nakatadhana. Oo – I believe in destiny. At na-realize ko na we’re just really not meant to be.

Doon ako humanga sa kanya dahil alam ko, there’s no easy way to break somebody’s heart. Walang madaling paraan and it would take a lot of courage para magawa mo yun lalo na kapag alam mong mahal na mahal ka ng isang tao. Sa kanya ang moment na yun. Sa kanya.

So ang nagyari – ganito: Nagpaka-busy ako. Nag-travel ako. Ginawa ko yung mga bagay na dati ko nang ginagawa bago ko pa sya makilala. Umakyat ako ng bundok. Nag-jogging ako para mawala ang stress at para pumayat. Nagbasa ng mga librong nakatambak lang sa kwarto ko. Nagsulat ng blog. Kumain ng kumain. Naglakas loob akong puntahan yung mga lugar na madalas naming puntahan, daanan yung mga lugar na madalas naming daanan. Kainin yung mga food na madalas naming kainin. Although may kirot kapag naaalala ko pero it is a relief kapag unti-unti eh nakakapag let go ako ng isang alaala. Dinama ko lahat. Pinaraya ko ang puso ko sa sakit. Gustong-gusto ko nang mawala yung pain.

Kung tutuusin, hindi naman ako nagalit sa kanya. Yun ang totoo. Oo, ang sama ng loob ko because it had to happen pero hindi ako nagalit sa kanya. Hindi nawala ang respect. Laging nasa puso ko ang magagandang pinagsamahan namin, lahat-lahat ng magaganda o siguro kahit yung mga pangit na alaala. Hindi naman ganun kadali mawawala yun eh. Or maybe hindi na mawawala yun. It became a part of me and always will be. Sabi nga ni Xander, ang aking kaibigan, the pain will always be there, you’ll just get used to it. Siguro tama sya. Siguro isa na rin sa mga dahilan kung bakit madali ko itong nalampasan eh dahil sobrang minahal ko sya. Buong-buo o marahil, sobra-sobra. At dahil dun wala akong regrets dahil alam ko naman na binigay ko lahat hangga’t kaya ko. Kaya kahit masakit alam ko mas sasaya sya kung palalayain ko sya. At palagi kong hinahangad ang kaligayahan nya. Mas naiintindihan ko na sya ngayon.

Ang weird nga eh. Kilala ko ang sarili ko. Alam ko kung papaano ako magalit at magtanim ng sama ng loob sa isang tao lalo na kapag nasaktan ako ng sobra-sobra. Alam ko rin na hindi pwedeng hindi ako maghihiganti. Pero nung nangyari lahat ng iyon – nasurpresa din ako sa sarili ko. Wala akong ginawa kundi tanggapin lahat lahat. Manahimik and eventually mag let go. Or maybe eto talaga yung tunay na ako at ngayon ko pa lang nakikilala ang sarili ko. Ewan. Siguro nga ganun. Chors! haha. Dami kong sinabi.

Pasensya na mahaba ang entry ko ngayon. Naipon eh. Haha. Hindi ko din kasi alam kung papaano isusulat ang lahat ng ito nang hindi nagtutunog ipokrito pero eto ang totoo. Kung mayroon mang dapat patawarin, napatawad ko na. Kung meron mang dapat sisihin, kami yung dalawa. Hindi lang siya at hindi lang ako. Pero ang mahalaga – at least ngayon kaya ko nang pag-usapan muli ito nang hindi sumasakit ang dibdib ko. Siguro sign na din ito na okay na talaga ako. Gusto ko lang naman maging masaya ulit eh. Yun lang naman kaya ginawa ko lahat ng yun para maka-move on na. And I’m glad to say that I have moved on – at least “almost” completely if not completely.

But I know my heart will never be the same again anymore. That’s for sure. So now I shall lift my arms and let my roots set off to seek another land. Welcome back, Bienthoughts!😀

 

 

 

 

 

2012/05/01 - Posted by | Sari-saring Katangahan.

17 Comments »

  1. […] Ang Alamat Ng “Moving On”. (iprovoked.wordpress.com) […]

    Pingback by RAYMOND GUTIERREZ AND THE LOUDEST SHOWBIZ WHISPER ABOUT HIS GREEN BLOOD! « ALIWAN AVENUE | 2012/05/01 | Reply

  2. Kudos big bro.

    Comment by You-know-who | 2012/05/02 | Reply

  3. […] Ang Alamat Ng “Moving On”. (iprovoked.wordpress.com) 14.166667 121.216667 Share this:TwitterFacebookEmailLinkedInStumbleUponLike this:LikeBe the first to like this post. […]

    Pingback by ANGELICA PANGANIBAN & DEREK RAMSAY : BREAKING UP FOR CONVENIENCE? « ALIWAN AVENUE | 2012/05/04 | Reply

  4. im happy for you.🙂

    Comment by taympers | 2012/05/05 | Reply

  5. Kudos!🙂

    Comment by Umi | 2012/05/05 | Reply

  6. naranasan ko na din to. happy for u sir🙂

    inaanyayahan ko po kayong lumahok sa papalapit ikatlong taon ng kamalayang malaya ni g.jkulisap

    mangyaring magpunta lamang dito

    http://kainaman.wordpress.com

    salamat sir!

    Comment by Rj de Lemos | 2012/05/09 | Reply

  7. […] Ang Alamat Ng “Moving On”. (iprovoked.wordpress.com) 14.166667 121.216667 Share this:TwitterFacebookEmailLinkedInStumbleUponLike this:LikeBe the first to like this post. […]

    Pingback by JED MADELA , “BACK TO BASICS” CONCERT sa MUSIC MUSEUM sa MAY 18 NA! « ALIWAN AVENUE | 2012/05/15 | Reply

  8. […] Ang Alamat Ng “Moving On”. (iprovoked.wordpress.com) […]

    Pingback by Lessons learned while travelling down Manila « Makko's Adventures | 2012/05/23 | Reply

  9. […] Ang Alamat Ng “Moving On”. (iprovoked.wordpress.com) […]

    Pingback by Pagkatapos ng Mahigit Isang Libong Oras « Makko's Adventures | 2012/05/23 | Reply

  10. […] Ang Alamat Ng “Moving On”. (iprovoked.wordpress.com) […]

    Pingback by Ang Corn and Others « Makko's Adventures | 2012/05/23 | Reply

  11. […] Ang Alamat Ng “Moving On”. (iprovoked.wordpress.com) […]

    Pingback by Mga Panaginip at Iba Pa! Awaw! :D « Makko's Adventures | 2012/05/23 | Reply

  12. […] Ang Alamat Ng “Moving On”. (iprovoked.wordpress.com) […]

    Pingback by SALPUKANG DANIEL FERNANDO & PHILIP SALVADOR SA BULACAN! | ALIWAN AVENUE | 2012/06/18 | Reply

  13. […] Ang Alamat Ng “Moving On”. […]

    Pingback by Past is Past and Never to Be Discussed!?? | Definitely Filipino™ Blog | 2012/06/19 | Reply

  14. I am not there to console you during this time coz first he is my friend; I don’t know what to say and I was shocked not only because of the break up but more of “the fact”. I admire you so much Bien. I know you loved him so much. So much for him to handle. Tama ka, walang dapat sisihin kundi kayo pareho, pero dapat wala talagang sisihin just be thankful of what you had before. It is part of loving… you’ll get hurt and you need to move on. I was glad to know that you made your moves somehow. Just continue. Enjoy life!

    Comment by KryszChan | 2012/06/21 | Reply

  15. […] Ang Alamat Ng “Moving On”. (iprovoked.wordpress.com) […]

    Pingback by KAPAG NAG-IISA… ANO ANG PWEDENG GAWIN? | i am batch | 2012/06/22 | Reply

  16. […] Ang Alamat Ng “Moving On”. (iprovoked.wordpress.com) […]

    Pingback by BLIND ITEM : ‘SHABUMATES’ | ALIWAN AVENUE | 2012/06/28 | Reply

  17. […] Ang Alamat Ng “Moving On”. (iprovoked.wordpress.com) […]

    Pingback by WILLIE REVILLAME : SLOWLY BUT SURELY DRIFTING DOWN THE DRAIN! | ALIWAN AVENUE | 2012/07/05 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: