BienthoughtsMuyBienthoughts

one stupidity at a time won't hurt, will it?

One More Chance and the PAG-IBIG Inspection.


Medyo matagal ako nagpahinga, wala akong mapiga sa utak ko para maisulat. Baka nga wala nang laman ang bumbunan ko – literal – hangin na lang. Lutang ako. Kahapon nga habang nakasakay ako sa bus, nilapitan ako ng kundoktor para singilin ng bayad: “Sir, san po baba nyo?”, “Marlboro Lights!” ang naisagot ko. Ang labo diba? Worst case na sa pagiging bangag. Akala ko kasi nasa 7-11 ako at bumubili ng yosi. Adik.

Ano ba nangyari? Wala naman. Siguro na-in-love ulit ako. Alam na! Gaya ng lagi kong sinasabi, “the beginning is all about the chase”. So ganun talaga, kapag nagsisimula pa lang ang relasyon, mas madalas inuukol nyo ang oras nyo sa isa’t-isa. Parang wala nang bukas. Lagi kayong magkasama. Lagi kayong magkausap. Syempre nakikiramdam pa. Pa-bibo. “We want it to work” ang drama. Pero ang tanong dyan, “can you keep up?”. Ako Oo. Ewan ko kung ano ang isasagot nya. I’m just taking it all in. Anyway, it’s everything I’m wishing for. So far masaya ako. Yun na lang muna ang mahalaga.

May bago ba? Well, wala. Iritado pa rin ako kay Noynoy at sa nangyayari sa kanyang pamahalaan. Sa ating gobyerno at sa sunod-sunod na pakikipaglaban ng mga bayan sa Cavite para maging ganap na syudad. Dasmarinas City, Bacoor City, at ang pinakahuli – Vote for Imus Cityhood. Walanjo! Susuporta lang siguro ako sa Imus Cityhood kapag hindi na amoy kanin-baboy ang daanan sa Imus at kapag lumuwag-luwag na ang trapik sa may Cathedral may misa man o wala. Eh yung simpleng bagay lang na yun hindi pa maayos, puta. Cityhood my ass!

Tingin ko hindi pa handa ang Imus para maging isang syudad. Sabihin na nating nakapasa ito sa mga major criteria para maging isang ganap na pook rural – population, income, contigous territory etc., pero ano ba ang mga komplikasyon nito? Naiintindihan ba ng mga bumoto ng YES sa plebesito ang implikasyon nito sa Amilyar, sa buwis, sa presyo ng mga lupain, at sa mga dagdag na gastusin? Hindi. Ang alam nila magandang pakinggan ang Imus City. Shet! Parang hindi naman.

Tag-ulan na. Matagal din akong nagtiis sa mainit na panahon. Paborito ko ang ulan at hindi na mabilang ang mga naisulat kong blogs na patungkol sa ulan. Pakiramdam ko – woooosh – I’m home! May comfort itong hatid sa akin. Mas masigla, mas ganado, mas magaan ang pakiramdam ko kapag umuulan. Hindi haggard at higit sa lahat mas umaandar ang utak ko. Well, aside from the fact na masarap ding matulog kapag umuulan. Parang gusto ko tuloy kumain ng Sinigang sa Miso na Lapu-lapu, or Tuna belly, or Salmon. Sarap.

Yung title wala lang yan koneksyon sa laman nitong blog. Balak ko sana mag-emo post ulit kaso wala ako sa mood. I’m way too happy to be sad. Seriously. 

I’m gonna make new memories and forget all the things that hurt. This time I’m gonna make sure I am well respected and that I deserve what I’m getting. I’m gonna love myself more and would only share the overflow. I won’t entertain pain and would ignore people who brings it. I’ve set my principles long time ago and might have forgotten it but I’m definitely in the zone again for a new journey.
Nakuha ko na ang susi ng bahay ko. It’s official, I am a homeowner na. OMG. lol. I guess someone up there is still giving me some things that I should be thankful about.
Dito ako magsisimula.🙂

2012/07/03 - Posted by | Sari-saring Katangahan.

3 Comments »

  1. congrats may own house ka na!

    Comment by Bino | 2012/07/03 | Reply

    • Thanks kuya Bino! Good morning!😀

      Comment by bienthoughts | 2012/07/03 | Reply

  2. buti ka pa.. jinggiters muchos aketch

    Comment by cheche3d | 2012/07/03 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: