BienthoughtsMuyBienthoughts

one stupidity at a time won't hurt, will it?

Amorseko.


hindi naman malakas ang hangin

ngunit tinangay ka nito sa harapan ko

tumitig ka. tumingin ako.

nag-usap ang ating mga diwa

hindi natin maintindihan ang isa’t-isa

***

hindi naman bilog ang buwan noong una kang makilala

doon sa may halamanan ng amorseko

doon sa makakating talahib ng maalindog na gabi

ngunit binitbit ka ng liwanag ng buwan

doon sa tabi ko. sa piling ko

at hindi na muling nawalay sa akin.

***

hindi ko noon maunawaan ang iyong awit.

***

bawat ngiti mo’y ligaya

ikaw ay ligaya. ikaw. ang sarili mo. ay ligaya

bawat diktan mo’y ngumingiti

salamat at dumikit ka sa akin.

***

ang iyong bango ay naiwan sa aking mga pisngi

at hindi na muli pang lumisan.

***

mahalaga pa ba kung ano ang iyong nakaraan?

kailangan ko bang magmukmok sa nakalipas?

***

katulad ng sagot mo – ang sagot ko – hindi.

***

noong gabing iyon sabay tayong lumaya.

hinaplos mo ang bukas ng panibagong simula.

at kung papalarin ay idadalangin

magbiyaya nawa ang langit

ng sangkatutak na pag-ibig

***

para sa akin mula sa iyo –

para sa iyo mula sa akin

***

at kung sakaling lumisan

at kung sakaling umulan sa may tindahan ni aling Nita

maghihintay ako sa gitna

kung saan laging kang nandoon. nakangiti.

Hahabol ako hangga’t kaya ng aking mga paa

at kung hindi na. at kung madapa

at kung lumisan kang di na maaninag

***

makakaya ko rin – makakaya mo.

tulad ng dati. sa magkatulad na pagkakataon.

magpaparaya ang ating mga puso.

***

at mauunawaan natin kung bakit tayo pinagtagpo.

 

2012/08/01 - Posted by | Sari-saring Katangahan.

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: