BienthoughtsMuyBienthoughts

one stupidity at a time won't hurt, will it?

Bukas, Maglalakad Na Naman Akong Muli.


look hard

Mag-ga-gabi na noon. Nakatanglaw ako sa papalubog na araw.
Lumipas ang maghapon na hindi ko namalayan.
Naglalakad akong hindi alam ang tungo.
Ngunit batid kong papauwi ako ng bahay.
Walang sukat ang distansya ng aking bawat hakbang.
Nakasalubong na kita marahil, hindi ko lang siguro napansin.

Iisa lang ang tuon ng aking mga mata.
Kung saan ako dapat na papunta.
Hindi sumagi sa isip ko ang tumingin sa kanan o kaliwa.
Hindi ko man lamang nasimsim ang halimuyak ng usok,
O ang musikang hatid ng sasakyang humaharurot.
Maging ang dagsa ng sandamakmak na lupon ng mga tao,

Wala man lamang nagpaalala sa akin na baka may panganib
Nagpatuloy akong maglakad. Papauwi.

Papauwi.

Kung saan ako makakapagpahinga.
Kung saan sa paghiga ko’y makakatulog ng mahimbing.
At hindi na iisipin ang pagsapit ng dilim.

Bukas maglalakad na naman akong muli.
At sa magkatulad na pagkakataon,
Aasa akong makakasalubong kita.
Sabay na tayong umuwi. Giliw.

2014/02/14 Posted by | Sari-saring Katangahan. | 1 Comment