BienthoughtsMuyBienthoughts

one stupidity at a time won't hurt, will it?

Kung Bakit Ngayon Lang Ako Nag-blog Ulit.


image

Unang-una, dahil naging busy ako sa walang ka-kwenta-kwentang mga bagay. Nagpalit ako ng trabaho na parang damit lang kung hubarin pero sa katotohanan, mahirap naman pumili at bumili ulit ng bago dahil gusto ko, branded at mahal. Mangilan-ngilan lang ang nakapasa sa aking panlasa na masasabi kong bagay na bagay sa akin. Ayun, napadpad ako sa isang trabahong hindi ko alam kung gusto ko bang seryosohin o isa na namang damit na dapat ko nang hubarin dahil hindi bagay sa personality ko. Ano ba?

Well, hindi naman malabo ito. Sa katunayan nga, malinaw na malinaw sa akin kung saan ako dadalhin ng bagong pakikipagsapalarang ito. Pero bahala na siguro, hangga’t kaya, sige lang muna. Ganun eh.

Mahal na ang yosi, tumaas na ng halos kwarenta pesos. Mabuti na lang at may trabaho ako, kaya ko pa bumili ng bisyo kahit papaano. Pabor naman talaga ako sa Sin Tax. Hangga’t pwedeng buwisan, buwisan na yan at ipaubaya na natin sa mga politikong mandarambong ang mga ating mga salapi. Ganun din naman, kahit sino iboto, manloloko. Wala na yatang magbabago sa bansang ito. Wala na rin ako pakialam. Kung dati-rati sobrang involve ako sa ating politika, maging sa current events, ngayon wala na akong gana. Bahala na sila. I’ve done my share, saka na ulit ako babalik kapag nabuhayan na ulit ako ng kahit katiting na pag-asa. Ayun.

Sabi nila kapag matagal ka raw tumigil sa pagsusulat, mabobobo ka. Mukhang tama sila. Hangin na lang yata ang laman ng kukote ko. Una ko dapat isusulat yung tungkol sa Alamat Ng Moving On Part2, kaso hindi ko mahagilap yung mga diwang naka-stock lang sa utak ko. Nawala sila lahat. Pero okay na din siguro yun. Alam mo kung bakit? Dahil wala na din akong pakialam sa nangyari noon. It happened to me not once, but twice. Same shit, similar story. Same drastic pain pero wala na yun. Ayoko na isipin dahil hindi ko na maalala how it all happened. Pero isa lang ang simula at wakas ng kwentong yun: Umasa ako. Iniwan ako. Period. Kung anoman ang nangyari in between, I’m really glad I can hardly recall. No kiddin, hindi ko talaga maalala. Pakiramdam ko nagka-amnesia ako. Gusto ko na ‘to kesa naman sharp ang memory, mukhang mas madrama yun. lol.

So, I broke my Sony phone na maganda. Nabasag yung LCD nya. Ang repair sa service center kasing presyo na ng isang brand new phone. And so I bought a new toy. Pang mahirap lang. O+ 8.9, para kapag nabasag ulit, hindi na masyadong masikip sa lungs. Pero wag maliitin ang pobreng phone, nako, nagandahan ako sa phone na ito, walang biro. Basta maganda sya. Hindi ko pino-promote pero kung maisipan mong bumili isang araw pag napadaan ka ng SM, I can assure you na hindi ka magsisisi. Pag nagsisi ka, promise bibilhin ko sayo yung phone at ako ang gagamit. Promise yan. Eto nga dito ako nagba-blog ngayon. Sosyal diba? Via mobile. Naks!

Madami pa ako gusto ikwento kaso inaantok na ako. Nakakapagod nadin magtype sa phone. Basta sa ngayon, steady ang buhay ko. Tahimik. Masaya. Walang komplikasyon. Na-miss ko ang ganitong state of mind. Tagal din akong nagpakabaliw sa mga unnecessary emotions. Tanga lang? Pwede naman palang ganito lang, naghanap pa akong ikasasakit ng puso at ulo ko. Hindi naman ako nagsisisi, naghihinayang lang for the lost energy na sana ginugol ko na lang sa pag-akyat ng bundok at pagtakbo. Anyway, nangyari na. Ganun eh.

Sige next time ulit. Sleep na ako. Bye.🙂

2013/03/09 - Posted by | Sari-saring Katangahan.

4 Comments »

  1. good thing din nakalimutan mo nangyari sa Alamat ng Moving ON Part 2, naka move on ka na talaga, yung sa trabaho, I guess, if you really don’t like the job, you won’t stick to it, if you do love it to the core, you’ll go to lengths para lang pagbutihin siya.

    Good thing you’re back to blogging, marami na din kasi nawawala na bloggers! Welcome back! (kahit baguhan palang ako)

    Comment by zioncampo | 2013/03/10 | Reply

    • Salamat sir/mam. Buti napapadaan ka dito. hehe.🙂

      Comment by bienthoughts | 2013/03/10 | Reply

  2. halungkatin mo lang sigurado akong nasa utak mo pa yung mga thoughts para sa alamat ng moving on mo. hehehe

    welcome back pare!🙂

    Comment by bagotilyo | 2013/03/12 | Reply

  3. Gusto mo ba ng online work?
    Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    Email me: tirade_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
    Contact Number: 09465046302
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    Comment by Marc Kevin Frondozo | 2014/06/11 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: