BienthoughtsMuyBienthoughts

one stupidity at a time won't hurt, will it?

There Are No Fairy Tales.


There are no fairy tales. All we have is poverty, political instability, hypocrisy, and a dim-witted President, not to mention the most anticipated royal wedding of the century a.k.a the modern world fairy tale which I think is bullshit!

I’m just saying! :\

“Yehey! tapos ang Royal Wedding, wala ng kahirapan, wala nang nagugutom, stable na ang political system, asensado na ang Pinas!”

-Sana ganyan na lang ang effect ng panonood natin ng most anticipated wedding of the century.

LOL 😀

Advertisements

2011/04/29 Posted by | Sari-saring Katangahan. | , , , , | 4 Comments

Tell Me Your Name.


Ilang ulit na kitang nakakasabay sa bus. Kung hindi nga ako nagkakamali, maraming beses na rin kitang nakatabi. Ilang ulit na rin tayong nagkatinginan. Isang beses nga dahil nakatayo ako sa bus, kinalabit mo pa ako para paupuin sa pwesto mo dahil mauuna kang bababa. Pero sa loob ng panahong iyon, hindi tayo nagkausap. Ni hindi ko nga alam kung ano tunog ng boses mo. Palagi lang tayong nagngingitian. Palagi ka lang tumatango. Yun lang ang ating komunikasyon. Wala na.

Matagal ko nang gustong itanong ang pangalan mo kaso nahihiya pa ako. Minsan nga gusto na din kitang kausapin dahil madalas naman mag-isa ka lang bumabyahe. Madalas din, magkatapat lang ang inuupuan natin sa bus, napapalingon ka kapag napapalingon ako. Napapangiti na lang ako minsan, para tayong tanga. At pagkatapos ay ang walang katapusang katahimikan hanggang sa bumaba ka na lang, hanggang sa bumaba na lang ako.

Isang gabi, nagkasabay na naman tayo sa bus. Napansin ko kaagad ang suot mong damit, bagay na bagay sa ayos ng buhok mo. Hindi ko alam kung timigil ba ang oras o bumagal lang ang pagpatak ng bawat sandali dahil nakita kong papalapit ka sa kinauupuan ko. Sa isang sulok ng utak ko, nananalangin ako na tumabi ka sa akin. Pero nung nakita kong nilampasan mo ang kinauupuan ko, nagkasya na lamang ako sa paglanghap sa halimuyak ng iyong pabango. Ang bango-bango. Hindi na kita nilingon pa, sumandal ako at nagpasyang matulog na lang buong byahe.

Wala pang ilang saglit akong napapapikit ng maramdaman kong may umupo sa tabi ko. Ikaw pala yun. Bogz, bogz, bogz, ang sumunod na narinig ko mula sa aking dibdib. Kumakabog siya. Pero hindi ako nagpahalata. Kunyari napatingin lang ako saglit kung sino yung tumabi sa akin, pagkatapos ay bumalik ako sa pagkakasandal at pagkakapikit. Alam kong sapat na sa akin ang maamoy ang iyong presensya.

at umusad ang byahe…

Habang-daan, may kung anong bagay kang hinahalungkat sa dala mong bag. Inagaw ng paghahalungkat mo ang aking atensyon. Iniisip ko kung may nawawala ba sa gamit mo o kung hindi mo lang makapa sa bag mo yung kung anuman yung hinahanap mo. Napatingin ako sa iyo – ganun ka rin. At sa maraming ulit na pagkakataon, nagtinginan at nagngitian lang tayo. Lumapit ang konduktor para maningil ng pamasahe. Nagdadalawang isip ka pang ibigay ang pera mo dahil buong Isang Libong Piso ito at baka walang maipanukli sa iyo si Manong. Barya pala ang hinahalungkat mo sa bag mo at wala kang nakita. Tama ka nga, walang panukli si Manong konduktor sa ibinigay mong bayad, nakasimangot itong nag-salita:

“wala ba kayong barya? ang laki-laki ng pira nyo, trinta pisus lang ang pamasahi”.

“wala na ho akong barya eh” ang sagot mo naman. Narinig ko rin sa unang pagkakataon ang boses mo. Ang lambing.

“sa iba na lang ho kayo somakay, wala akong ibabarya diyan!” ang sabi ni Manong konduktor sabay balik ng Isang Libong Piso mo.

Nag-init ang ulo ko sa sinabi ni Manong konduktor. Bakit ka magpapababa ng pasahero dahil lang wala kang pambarya. Unang-una, gabi na – diba sabi nyo “Barya Lang Po Sa Umaga”? Pangalawa, ikaw na ang binabayaran ikaw pa galit? Magpapalit ka, pabaryahan mo yan, gago ka ba?. Pangatlo, ngayon nga lang kami magkakatabi pabababain mo pa siya, wag kang adik!

At dahil sa sinabi ni Manong konduktor, nagkusa na akong dumukot sa bulsa ko ng pera para ako na magbayad ng pamasahe mo.

“Manong, ito na po bayad naming dalawa, Ayala lang!”

Napatingin ka sa akin at ngumiti. Parang hindi mo alam ang gagawin mo, kung tatanggihan mo ba ang offer ko o bababa ka na lang para sumakay sa ibang bus. Pero huli na para tumanggi ka, nabigyan na ako ng ticket ni Manong.

“Salamat ha? Babayaran na lang kita bukas lagi naman tayo nagkakasabay eh” Ang nasabi mo na lang.

“Don’t worry ’bout it, okay lang yun.” Sabi ko, medyo pa-demure.

“Kung gusto mo sabay na lang tayong bumaba para makapagpabarya na rin ako, I’ll treat you for coffee?”

Bakit ngayon pa nangyari ito kung kailan kailangan kong pumasok ng maaga sa trabaho. Gustong-gusto ko mang mag-coffee kasama ka, kailangan kong tumanggi.

“‘I’d love to have coffee with you but I have a meeting at 8pm, don’t worry bout it, I’m sure you’d do the same thing if that was me, right?” Sabi ko. English talaga, promise!

“Right! But I still owe you one. Lagi kitang nakakasabay eh, baka nga bukas magkasabay ulit tayo, ako na lang magbabayad ng pamasahe mo, okay?”

Gusto ko sanang i-suggest kung pwede bang mag-coffee na lang tayo instead na bayaran mo ang pamasahe ko pero hindi ko rin nasabi. Kung pwede lang na magpa-late ako sa trabaho for a few hours para lang makasama ka mag-kape, kaso hindi ako sanay ng nale-late, at importante din ang meeting ko nong gabing iyon.

“sure, sige”. ang tangi ko na lang nasambit, puno ng panghihinayang.

Umusad pa ang byahe hanggang makarating ang bus ng Ayala. Bumaba ka at nagpaalam na may kasama pang tapik sa balikat. Ilang saglit pa ay bumaba na rin ako. Kung bakit ba sa tinagal-tagal nating nag-usap sa bus, hindi ko man lang naitanong ang pangalan mo. Sana magkabasay muli tayo.

Tell Me Your Name.

by: Christian Bautista

Tell me your name you’re lovely
Please tell me your name
Just when I thought
This would be one of those boring games
You walked into these feelings
You looked at me and smiled
My heart unfroze and started going wild
Can you imagine this
The confusion of
first love’s kiss
A return to wondering
If the magic of love was this
You merely said hello
And my mind did a stop and go
Can it possibly be
The future for me is you

Tell me your name
I must know
Won’t you tell me your name
I’m not insane
Just frightened that you might go
Don’t go please stay beside me
Wait until I can tell you all my schemes
Chasing rainbows spinning dreams
Finding someone to love like you

I’m not insane
Just frightened that you might go
Don’t go please stay beside me
Wait until I can tell you all my schemes
Chasing rainbows spinning dreams
Tell me please your name
Tell me.

2011/04/27 Posted by | Sari-saring Katangahan. | 3 Comments

Baler Adventure.


This slideshow requires JavaScript.

Tinatamad pa akong magkwento, masyado pa akong bangag dahil halos dalawang linggo din akong nagbakasyon, so sundan nyo na lang muna itong BALER link na ito para makita nyo kung gaano ako nag-enjoy doon. WOO0T! Saka na ang matinong kwento. Sige, tulog muna me.

😀

2011/04/25 Posted by | Sari-saring Katangahan. | 7 Comments

Kung May Pera Sa Mars, Pupunta Ako Dun.


Madalas akong nakatunganga sa kawalan lalo na kapag nag-iisa ako. Mas madalas nauubos ang oras ko ng nakanganga lang habang sobrang layo ng tingin ko – parang tanga lang. Wala naman talaga akong iniisip, yun lang ang paraan ko para ipahinga ang utak ko sa kung mga bagay na dapat ay iniisip ko. Kapag nasa katinuan kasi ako, sobrang dami naman ng laman ng utak ko at nahihilo ako sa kakaisip sa kanila, although wala naman syang impact sa akin emotionally, or in any aspect. Mahilig lang talaga ako mag-isip.

Kapag masipag naman ang utak ko, saka umaandar ang aking imahinasyon at kung anu-anong mga bagay ang pumapasok sa isip ko tulad na lang ng matagal ko nang pangarap makarating sa Mars. Mahilig kasi ako sa astronomy sobra. Kapag nagbabasa ako ng tungkol sa mga planets, sobrang na-o-overwhelm ako at pakiramdam ko nakakarating ako sa isang planeta. Gusto ko kasing makarating sa surface ng Mars to know how it feels like to be walking sa isang lugar na walang magnetic field. Astig diba? At dahil nga mas malayo ang Mars sa Sun kumpara sa Earth, syempre mas malamig dun, gusto ko maranasan yung lamig sa Mars – although sabi sa nabasa kong book, sobrang nipis ng atmosphere nito kaya hindi sya habitable. It has an atmosphere that’s only 1% as thick as Earth. So ibig sabihin, it has almost no ability to trap heat around it. So kung ganun pala, kung bibisita ako sa Mars, kailangan kong magsuot ng special space suit na may heater para hindi ako mag-freeze at ma-stuck dun forever and ever amen! LOL.

Kaninang lunchbreak ko, ewan ko ba kung bakit inip na inip ako. Sobrang bagal ng oras at naiirita na ako. Naapektuhan na nito ang aking mood kaya naman ayokong magsalita, ayokong gumalaw, ayokong kumain, ayoko lahat gawin. Nagpaalam na nga ako sa boss ko baka pwedeng mag-undertime pero hanggang ngayon, ngiti lang ang sinasagot niya. Haay. Napagdiskitahan ko tuloy yung mga taong napapadaan sa harap ko. Lahat sila tinititigan ko ng malagkit habang naglalakad papalapit sa pwesto ko. Syempre taka naman yung iba kung bakit ko sila tinititigan. Madami siguro naimbyerna, lol. Pero kapag cute ang dumadaan, syempre, may kasamang libog ang pagtingin ko, malagkit na malagkit, grrrr. Yung isa nga kinindatan ko pa, nagulat siguro siya, keber na! Hahaha.

Naisip ko lahat ng galaw natin ay kailangang may dahilan. Yung tipo bang “Para Kanino Ka Bumabangon?”. Isang bagay ang nakikita ko sa mukha ng mga tao while observing them: PERA, MONEY. Unang-unang, sweldo day nila ngayon at weekend na kinabukasan. Parang isang malaking bubble na shout out yung nasa ulo nila na nagsasabi: “Saan Kaya Ako Pupunta This Weekend?”; “Bibili Ako Ng Bagong Laptop”; “It-treat ko ang Boyfriend Ko Sa Isang Fancy Restaurant!”; “Manonood Ako Ng Catch Me I’m In Love”; “Gusto kong mag-party-party with Friends!”; “Sana naka-sale pa yung sapatos sa Nike at Adidas!”; “Magbabayad na naman ako ng bills, wala nang matitira sa akin”; “Magbibigay pala ako ng pera kay mama!”, etcetera, etcetera, etcetera.

Pinapagalaw ng pera ang lahat ng mga tao. Sabagay, ayoko magpaka-ipokrito, pera din ang hanap ko kung bakit ako nasa opisinang ito. Para magawa ang mga bagay na gusto ko, kailangan ko ng pera. Although sabi nila, all the best things in life are for free, tulad ng paliligo sa ulan, pagtawa ng walang humpay, kaibigan, pamilya, pag-akyat ng bundok, pagsigaw ng malakas, pagkanta, pagsipol, sex(?), at madami pa. Pero kung may pera ka, I’m sure mas maeenjoy mong lahat ng ito a thousand folds. Nagmumukha na ba akong pera? I think so. Alam ko namang masama yung ganito- sabi nga nila, money is the root of all evil, pero for me, mali yun – don’t let your money control you, you have to take control of your money, malaki man ito o maliit, para mas ma-enjoy mo sya. Ano ba ‘tong pinagsasasabi ko? Parang tanga lang, haha. Parang wala ng sense. LOL.

Ito na lang muna, basta gusto ko nang umuwi para makapagpahinga na. Napapagod na ako at gusto ko nang sulitin ang napakahabang weekend ko! Happy Holy week sa lahert! “Saan Kaya Ako Pupunta This Weekend?”; “Bibili Ako Ng Bagong Laptop”; “It-treat ko ang Bebe Ko Sa Isang Fancy Restaurant!”; “Manonood Ako Ng Catch Me I’m In Love”; “Gusto kong mag-party-party with Friends!”; “Sana naka-sale pa yung sapatos sa Nike at Adidas!”; “Magbabayad na naman ako ng bills, wala nang matitira sa akin”; “Magbibigay pala ako ng pera kay mama!”, lahat pala yan, hindi guni-guni, gusto ko gawin at sana makahanap ako ng time. Hihi.

Ktnxbye! 😀

2011/04/15 Posted by | Sari-saring Katangahan. | Leave a comment

91st.


Kelan nga ba ako unang nag-blog at bakit ko naisipang magsimula ng isang blogsite? Nung hinalungkat ko ang dati kong bahay, nakita ko ang aking pinakaunang post and it was dated May 20th, 2008, Tuesday. Ayus, halos tatlong taon na pala ang nakararaan. Ayoko nang sabihin kung ano ang laman ng pinakauna kong post dahil natatawa talaga ako, feeling teenager lang talaga. hahaha. But to give you a hint, it’s about love and it’s about my first heartbreak. Ayun.

Pero ngayon, syempre, iba na ang dahilan kung bakit ako nagsusulat. Sa tinanda-tanda ko ba namang ito, hallooo! Kung minsan naisip ko nga kung bakit pa ako nagpapatuloy magsulat, pero may nagtext, sabi niya: “Para hindi ka matuyot”. Hmmm, makes sense. Oo nga, kasi naman sa pagsusulat, gumagana ang utak ko eh. Yung mga bagay na hindi ko kaya at hindi ko maaaring sabihin ay dito ko nailalabas. Nahahasa ang aking imahinasyon at hindi nalalanta ang mga ideyang nasa utak ko lang, kahit kung tutuusin eh hindi naman ganun ka-interesante ang mga isinusulat ko. Parang diary nga eh, haha. But in a way, this blogsite, whether someone reads it or not, makes me feel real good. Nababalikan ko ang mga pangyayari sa buhay ko sa isang click lang. Para nga itong time machine eh. Sabi nga nila, if you want to be immortal, write something. And so I am writing, di bale nang walang sense, di bale nang kung anik-anik lang, basta magsusulat ako. Da ba? Haha.

Naalala ko noong sobrang “into-it” pa ako sa paggawa ng mga maikling kwento, tula, sanaysay at kung anu-ano pa, walang araw na hindi ko dala ang aking notebook at pen. Ayaw ko kasing nalilipasan ako ng idea, kailangan kapag naisip ko siya isulat ko kaagad dahil kapag hindi, nakakalimutan ko siya, sayang lang. Madalas pa naman ang mga idea eh nagsusulputan sa mga hindi inaasahang lugar at panahon. Tulad na lang kapag naglalakad ako sa mall, or sa park. O kapag nagyoyosi ako at nakatunganga sa kawalan. Kapag tumatae at nagcoconcentrate, kung minsan nga kahit may nakasalaksak na earphones sa tenga ko while listening to Frank Sinatra bigla na lang may susulpot na ideya eh. Ganun sya unpredictable. Kaya lagi ako may baong papel at pluma. Pero ngayon, wala na. Kung anu na lang ang pumasok sa kukote habang nagta-type sa kyumputer gaya ngayon. Ganito na lang, impromptu at hindi na ako masyadong maarte sa spelling at grammar, keber na!

Noong simulan ko ulit ang pagsusulat pagkatapos kong mag-hiatus ng ilang taon, nagawa ko nga ang blogsite na ito. May mga pagkakataon pa rin syempre na nakakatamad magsulat pero ngayon, gusto kong ma-maintain ang blogsite na ito na kahit ano basta may mai-post lang. Basta gusto ko ganun lang. Wala me pakialam kung wala dumadalaw, alam ko naman meron kahit isa o dalawa. Keber na. I just wanna have an active website. I’m sure naman paglipas ng panahon at basahin kong isa-isa ulit ang mga isinulat ko, kahit papano matatawa din ako dito. Proven na yan kahit gaano pa ka-non-sense ang post na ito, may mapupulot at mapupulot ako dito pagtagal. Char! haha.

Eto na nga, ayan mahaba-haba na ang nasusulat ko, ayus! Diba? Hahaha. Nakakaasar nga hindi tuloy yung akyat namin sa Mt. Guiting-guiting, pinaghandaan ko pa naman yung ng sobra. Diet, takbo araw-araw, haay, pero sana next time matuloy na. Well, atleast pumayat ako, nakatipid, at pwedeng gumala na lang muna this holyweek kung saan man pwede lumandi. Haha.

This is my 91st post, nakaka-siyam na pu’t isang katangahan na pala ako! ayus! 😀

 

2011/04/14 Posted by | Sari-saring Katangahan. | 2 Comments

%d bloggers like this: