BienthoughtsMuyBienthoughts

one stupidity at a time won't hurt, will it?

Samahan ng Malalamig ang Pasko – No more.


Mabuti na lang at naihabol ko na hindi maging masyadong malamig ang aking Pasko. Biruin mo, sa loob ng halos buong buhay ko, ngayon lang ulit ako nag-Pasko na may kaharutan katuwang. Pero ngayon, ayun naging masayang-masaya at mainit na mainit ang aking Pasko. Sana kayo rin.

Hindi lang naman dahil sa may bebe  na ako kaya naging mainit ang Pasko ko this year. Isa pa sa lalong nagpainit nito ay ang mga taong nakapaligid na rin sa akin; friends, family at ang mga nagbabalik loob sa aking “kulto of circle of friends”. Napakadami kong regalong natanggap na hindi ko naman talaga inaasahan. Noon kasi, hindi talaga ako nagse-celebrate ng Pasko. I’m not a Christmas person, dumaraan lang itong parang isang ordinaryong araw sa akin. Walang simba-simba, walang rega-regalo, walang kahit anong something about Christmas. Hindi nga ako uma-attend ng mga Christmas Party kapag hindi naman importante ang mga taong kasama ko.

Pero ngayon, engrande ang Pasko ko!

Naramdaman ko talaga ang diwa ng Pasko bukod sa regalo, parties, pera at kris kringle. Naramdaman kong maraming nagmamahal sa akin bukod sa napakarami ring naiirita sa akin. Naramdaman ko na marami pa ring mga taong nice sa mundo at may mga taong sa paglipas ng panahon ay maaalala ka pa rin. Ang daming bumisita sa aking mga kaibigan na matagal ko nang hindi nakikita at inakala kong makikita ko na lang muli kapag malapit na akong mamatay o kapag nakaburol na ako. hahaha. Nakakatuwa sila. Parang walang nagbago. Memories.

Ngayong Pasko akalain mong nag-abala akong bumili ng mga pang-regalo na dati-rati ay kinamumuhian kong gawin. At akalain mo ring nagawa kong mag-effort na magbalot ng mga regalo na dati-rati ay isinusumpa kong gawin. I’m a changed man! Char! Bukod pa yan sa pag-iisip ng mga regalong babagay para sa taong pagbibigyan ko na sobrang ayaw na ayaw kong ginagawa talaga as in super ayaw na ayaw na ayaw to the max to the nth level! Pero ginawa ko and I’m happy. Nakakatuwa pala.

Sana laging ganito ang Pasko ko at nating lahat. Masaya at ramdam ang diwa ng pagbibigayan at pag-aalaala kay Papa Jesus noong isinilang siya dito sa lupa para iligtas tayo sa kasalanan, wow biblical?! Char! Nakakatuwang isipin na ang mga bagay na dati’y normal lang sa akin ay natutunan kong yakapin ng buong puso at namnamin ng may pagmamahal at pagmamalasakit sa aking kapwa. I’m really a changed man! Ako na! (But not to mention I bought 8 freakin pairs of shoes for myself, hahaha, I really love Christmas!)

Sa inyong lahat, sama-sama nating salubungin ang Bagong Taon at nawa’y kahit hindi pasko ay magbigayan tayo! Mahal ko kayong lahat! MMmmmwaaaahh!!! 😛

2010/12/28 Posted by | Sari-saring Katangahan. | 9 Comments

Mula Kay Bamboo – Merry Christmas!


Isang Pagbati mula kay Bamboo! LOL.

Masasabi kong sa bandang huli, naging mabuti ang taong 2010 sa akin. Sa totoo lang, hindi ko namalayan na heto at papatapos na pala ang taong ito. I’m so happy dahil unang-una marami sa mga New Year’s Resolutions ko ang nagawa ko naman kahit papaano, katulad na lang ng muling buhayin ko ang pagiging blogger ko at muli ay makapasok sa mundo ng blog. Nagpapasalamat ako sa mga bumabasa nitong munti kong pitak. Hindi naman mahalaga sa akin kung mag-comment ka o hindi. Sa totoo lang, mas natutuwa ako kapag nakikita ko yung status ng mga views ko dito sa wordpress, madami rin palang naliligaw. At sa inyo, hayteynkyu! Mwah!

Isa sa mga New Years Resolutions ko ay ang makapag-travel dito sa bansang aking minamahal. Salamat na lamang at naging bahagi ako ng isang grupong mahilig umakyat ng bundok at dahil sa kanila heto at nabisita ko ang mga magagandang lugar dito sa Pilipinas gaya ng Batangas, Pampanga, Pangasinan, Ilocos Sur, Nueva Ecija, Dagupan, La Union, Baguio, Nueva Vizcaya, Benguet, at iba pang mga karatig bayan sa Norte. Isa itong napakasayang experience para sa taong 2010. Haymsoheppy!

Ngayong taong ito, mas nakilala ko ang aking sarili. Although hindi pa ganoon kabukas ang aking pagtanggap sa aking pagkatao, atleast ngayon, masasabi kong kung anu’t-anoman ang mangyari, hindi na ako mahihiya o magdadalwang isip na ipaalam sa mundo na hindi lang ako isang ordinaryong lalaki – ako din ay isang ordinaryong medyo lalaki. Hahaha – for whatever that implies, alam mo na yan! Kungratshuleyshin!

Marami akong natutunan sa aking paglalakbay ngayong taon. Maraming nakilala, nakalandian at nakaharutan. Maraming napaiyak, nagpaiyak at prospect na paiyakin, haha. Naging isang malaking palaruan sa akin ang bawat kong pakikisalamuha at naging isang napakalaking paraiso sa akin ang mundong ito. Para akong isang halimaw na nakawala sa banga at ngayo’y isa nang ganap na Undin na maaari mong maging kaibigan, kaaway, kakampi, kapuso, kapamilya, kapatid at ka-kulto. In short, mas natuto akong makibagay. Itsoameyzhing!

Kahit natalo si G1BO at nanalo si Noynoy noong nakaraang halalan – masaya na rin ako dahil bukod sa mas natuto akong pahalagahan at ipaglaban ang aking mga paniniwala at prinsipyo,  nagkaroon din ako ng mga bagong kaibigan na nagpakita sa akin ng tunay na kahalagahan ng pagkakaisa, pakikipagkapwa-tao at pagmamahal. Achievement yan para sa akin. Ispectakyular!

Sana ikaw rin, naging makabuluhan ang 2010 sa iyo at sana ay may naiwan din itong aral sa iyong buhay kahit na gaano man kasakit, kasaya, kapait, kaasar, katraumatic, kalibog? ang nangyari sa iyo. Muli, ituring mo itong pagpapala mula sa ating mahal na Papa J.

Isa itong pagbati sa inyong lahat ng isang Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon. Sana mas maging maganda ang pasok ng 2011 para sa ating lahat. Kampay!

 

Nagmamahal,

Bienthoughts Muy Bienthoughts

 

 

 

2010/12/16 Posted by | Sari-saring Katangahan. | 17 Comments

Koreanong Hilaw na Hipon.


Hindi ako yung tipo ng tao na maporma at maarte sa katawan. Wala akong ka-latoy-latoy. Kung ano ang meron sa aparador ko na tingin ko bagay sa akin, yun lang isusuot ko. Hindi rin ako mahilig sa mga branded na kagamitan. Hanggang sa pangalan ko lang kilala sina Converse, Adidas, Puma, Lacoste at Fila. Bestfriend ko si Safeguard at si Sunsilk at basta nasipilyo ko na ang ngipin ko at nakapaglagay ng deodorant sa kili-kili, ayus na ayus na ang araw ko. Kapag trip ko naman maging maarte paminsan-minsan, swerte nang mawisikan ng Johnson’s Baby Cologne ang aking balat. Basta ang gusto ko lang, hindi ako mabaho at presentable ako sa harap ng maraming tao.

Maraming pagkakataon na sa buhay ko na may ilang mga taong naging mapanghusga sa mga bagay na sinusuot ko sa katawan ko. Sa damit ko, sa sapatos na suot ko, sa tipo ng musika na pinapakinggan ko, maging sa hairstyle ko. Ang lahat ng iyon pinapalagpas ko na lang dahil ang panuntunan ko sa buhay noon, hindi ko naman kailangang pumorma. Hindi naman ako yayaman kung makikisabay ako sa lifestyle nila. Iba ang disposisyon ko sa buhay at malayong-malayo ito sa disposisyon ng mga katulad ko ring kabataan. Gusto kong mamuhay ng simple. Gusto kong maglakad sa kalye na walang iniintindi kung may holdaper ba sa daan dahil hindi naman ako mapagkakamalang may pera. Gusto ko yung ganun.

Pero wag kang mag-alala, medyo exaggerated lang yun, hindi naman ako mukhang taong grasa. Haha. Hindi ko lang talaga nakaugalian na maging maluho sa mga gamit ko. Swerte na lang kung may magregalo sa akin ng Bench or Penshoppe pero kung wala, magkakasya na ako sa mga damit na nabibili sa tiangge. Pare-pareho lang naman yan.

Bakit nga ba ganito ang kwento ko ngayon? Eh kasi ganito yun…

Sobrang napikon kasi ako sa isang officemate ko kanina. Lagi na lang niya ako nilalait. Lagi na lang siya may comment sa damit kong suot, sa ayos ng buhok ko at pati na rin sa… eto nga, sa bago kong shoes.

Nakabili kasi ako ng shoes sa Manels, 50% off, so bale P800 na lang siya. Walking shoes sya na Maphisto. Eto sya…

Syempre proud akong sinuot si Maphisto pagpasok ng office, katerno ng black na maong pants ko. Nagandahan kasi ako eh saka sobrang komportable sya sa paa. Normally kasi ang mga sapatos ko yung sa mga OTTO or ITTI ko lang binibili, maiba lang, nag-try ako ng Manels nung minsang mapadaan ako sa MOA.

Anyway, ayun nga. Umentrada itong si officemate galing sa kung saan. Naka-walking shorts at suot ang kanyang Happy Feet na walking shoes. Lumapit ako para mangamusta…

Nang walang anu-ano’y nasambit nya sa harap ng bago kong sapatos na Maphisto from Manels:  “Yan ba ang porma mo dyan sa shoes mo? Pwede ka magpalit?”, na may kasamang “pandidiri look” na as in seryoso si kuya na para bang nasira ang araw nya nang makita nya ang suot kong sapatos at pants.

Syempre dahil sa likas na sa pagkatao ko ang pagiging mabait at mapagkumbaba, (ako na!!!). Binalewala ko na lang. Ngumiti ako saglit at saka umiwas na lang. Ayoko kasi na mapikon sa harap nya dahil baka kung ano lang ang masabi ko sa kanya. Ang malala pa, baka masapak ko pagmumukha niyang mukhang koreanong hilaw na hipon!

Pero nasaktan talaga ako. Grabe syang manlait. Pagpalitin ba daw ako ng damit? Eh wala akong dalang extra! (at magpapalit talaga? hahaha). Naisip ko kailangan ko ba talagang pumorma sa office? Hindi naman siguro ako mukhang tanga sa suot ko para sabihan niya ako ng ganon. Atleast hindi ko inutang ang pinambili ko sa sapatos ko! char!

Kaya ayun, masama ang loob ko sa kanya. Barado siya sa akin hanggang hindi humuhupa ang tampo ko. Grabe naman siya. Kung makapagsalita akala mo isa siyang Fashion Guru. Haaay, ang mga tao nga naman talaga. Alam ko lahat ng suot nya ay branded at mamahalin, kitang-kita ko naman yun mula dito sa kinauupuan ko. Pero that doesn’t give him an excuse to insult me. Nainsulto talaga ako. Nakakapikon talaga.

Pero sorry, mas marami akong pera. Yun na!

Dictionary:

KOREAN SHRIMPS, noun (n):

Korean hipon na mga Fashion Guru as in to the highest level ang knowledge nila sa Fashion kaya may karapatan na silang pagpalitin ka ng damit dahil ayaw nila ng suot mo. Yun na!

 

2010/12/14 Posted by | Sari-saring Katangahan. | 13 Comments

Kuya.


Matagal na panahon na rin siguro nung huli naming nagawa ito ng mga kapatid ko – ang mag-bonding. Pare-pareho na kasi kaming busy sa trabaho, sa kanya-kanyang mga social activities at kung anik-anik pang mga ka-bisihan sa buhay.  Kanya-kanya na rin kami ng mga trip sa buhay. Magkakaiba kami ng hilig. Ako parang tanga na kung anu-anu lang, yung pangalawa na mahilig sa rock band at mga ka-emohan at yung bunso namin na busy sa pag-aaral at sa kanyang banda.

Magkakasama naman kami sa bahay pero bihira din kami magkita-kita dahil na rin sa hindi magkakasabay ang mga schedule namin. Pag may pagkakataon, nagkakasabay lang kaming kumain sa hapag kainan tuwing Linggo, pero pagdating ng hapon, kanya-kanya naman kami ng gimik. Kung minsan nga magugulat na lang ako bagong gupit na pala yung kapatid kong babae, samantalang long hair na pala yung bunso naming lalaki. After a few weeks na hindi namin pagkikita ulit, bago na naman ang hairdo ng isa sa amin. Ganun.

Parang kailan lang talaga yung dalawa kong kapatid na ito ang lagi kong kaaway sa chichirya, o sa panonood ng TV at sa pakikipag-agawan sa ulam sa lamesa. Kung minsan nagkakampihan pa sila para lang matalo ang mighty morphine power ranger kong kakulitan. Haay nakaka-miss ang kabataan namin.

Habang nag-gagala kami sa Mall Of Asia, pinagmamasdan ko silang dalawa. Malalaki na ang mga kapatid ko. All these years, tingin ko sa kanila parang hindi sila tumatanda. Parang para sa akin, lagi lang silang mga bunsong kapatid ko na gustong-gusto kong nililibre at binibilhan ng mga laruan.

Pero hindi na pala.. Mga ganap na binata at dalaga na ang mga kapatid ko. And I am proud to see how successful and beautiful young citizens of the world they have become. I missed them and I love them with all of my loving kuya heart.

Merry Christmas! :]

 

si Mary Joy ang pangalawa kong kapatid na emotera! LOL.

“]

si Mikko, ang bunso kong kapatid na Rakista, astig kumanta yan! :


Eto ang mga nawawala naming kapatids! LOL.

Cheers!

2010/12/13 Posted by | Sari-saring Katangahan. | 13 Comments

Yosi.


Natuto akong manigarilyo isang taon matapos akong gumradweyt ng college. Mga 21 years old ako noon at Oo, medyo late na ako natuto ng mga bisyo katulad ng pag-inum ng alak na palagi ko namang sinusuka, pagtambay sa kanto sa kalagitnaan ng gabi kasama ang mga tropapips at ang pakikipaglandian at pakikipagharutan sa mga tropapis din na nakilala ko lang sa campus at mga party party. Ang lahat naman ng bisyong natututunan ko noon ay mabilis ko naman naitigil maliban na lamang sa potangenang sigarilyong ito. Hindi ko na yata maaalis ang bisyong ito hanggang sa magkasakit na lang ako at mamatay.

Marami nang brand ng yosi akong tinambutso tinikman. Lahat na yata ng brand mula sa pinakamura hanggang sa pinakamahal ay nasubukan ko pero sa ngayon, sa isang brand na lang talaga umiikot ang mundo ko, yung “medyo mahal” lang kasi middle class naman ang status ko sa lipunan. Char!

Noong una akala ko may dahilan talaga ang mga kabataan kung bakit sila nalululong sa mga bisyo tulad ng paninigarilyo. Ako kasi yung tipo ng kabataan noon na sobrang kinamumuhian ang mga katulad kong kabataan na nagyoyosi. Yun bang tipong gusto ko silang sapakin kapag naaamoy ko ang usok ng yosi lalo na kapag nakakasabay ko sila sa tricycle o sa jeep.

Akala ko noon mga papansin lang ang mga kabataan dahil mayroon silang gustong patunayan sa mga tao. Yun bang tipong “lalaking-lalaki ako” kaya magyoyosi ako para “in” ako sa tropa. Potangena talaga. Hate na hate ko yang mga ganyan noon lalo na kapag mga sobrang musmos pa lang eh nagyoyosi na. Hindi ko naman talaga alam kung ano ang dahilan nila pero kasi ako, wala naman talaga dahilan kung bakit ako nalulong sa tabako. Wala lang talaga. I just found myself suddenly bored and I had the need to do something else aside from just doing my regular errands. Basta ganun. Bigla ko na lang naisipan magyosi. Mali ang desisyon kong iyon noon. Akala ko naman kasi madali ko kaagad matitigil dahil sabi ko may kontrol naman ako sa sarili ko. Akala ko naman hindi na masusundan ng ikalawang stick ang una kong paghit-hit. Akala ko naman kasi hindi ko hahanap-hanapin ang “Tama” ng nicotine sa katawan ko. Maraming maling akala na ngayon naman ay unti-unting sumusunog sa baga ko.

Aaminin ko, nakaka isa hanggang dalawang kaha ako ng sigarilyo bawat araw. I mean sa loob ng 24 hours. At nadadagdagan pa yan ng isa hanggang dalawa pang kaha kapag nag-iinom (na minsan lang naman mangyari), at kapag nagpapalipas ng oras lalong lalo na kapag naghihintay. Yosi bago kumain, pagkatapos kumain, pag-tumatae, pagkatapos tumae, bago maligo, bago matulog at pagkagising na pagkagising. Yan ang bahagi ng yosi sa buhay ko araw-araw na lang na ginawa ni Papa God.

And you know what makes it more addicting? Each puff feels so good! Basta alam ko naiintindihan din ako ng mga nagyoyosi ring tropapis natin dyan. Kaadik talaga at hindi ko alam kung papaano ko lulusutan ang “deep shit” na ito sa aking buhay.

Sobrang aware naman ako sa mga sakit na maaari kong makuha sa paninigarilyo. Alam na alam ko na ang mangyayari sa akin pag hindi ko ito naagapan. Alam kong pahihirapan ako ng mga sakit pagdating ng araw na sisingilin na ako ng aking katawan dahil sa ginagawa kong pang-aabuso dito. Natatakot na ako para sa araw na iyon pero hangga’t hindi pa buo ang loob ko para tigilan ang adiksyong ito, siguro mamamatay na lang ako, humihithit pa rin ako ng sigarilyo.

Sinubukan ko na rin lahat ata ng posibleng paraan para tumigil sa pagyoyosi eh. Na-try ko na ang Herbal Cigarette, Electric Cigarette, Cigarette Patch, ang iba’t-ibang mga books on how to stop smoking at kung anik-anik pang mga naimbentong ka-chorvahan para tumigil magyosi. Lahat walang epekto. Lalabas pa rin ako ng bahay para magyosi.

Disiplinadong smoker naman ako at sa maniwala ka o sa hindi, nagsisigarilyo lang ako sa tamang smoking area. Never ako nagyosi sa loob ng pampublikong jeep at bus, never sa tricycle at lalong-lalo na, never na never sa harapan nina Mama at Papa. Although alam ko namang alam na nila na nagyoyosi ako, pero bilang respeto never ko pang pinakita sa kanila. Nakakahiya din kasi.

But don’t worry, hindi ako Yosi kadiri. Maputi pa rin naman ang ngipin ko and I brush my teeth each and every smoking session. Mabango pa rin naman ang hininga ko. hahaha. 😀

Kung may suggestions kayo on how to stop smoking, sabihin nyo lang at ita-try ko. Pero para sa akin, it really takes courage to stop this bisyo. And I’m not that strong enough I guess. It’s all psychological after all. :\

Kaya ikaw, kahit tikim wag na wag mo gagawin. Umiwas hangga’t maaari. Dahil kapag na-trap ka na ni yosi, you’ll never know how to stop. Just my two cents! :]

 

2010/12/07 Posted by | Sari-saring Katangahan. | 10 Comments