BienthoughtsMuyBienthoughts

one stupidity at a time won't hurt, will it?

Bukas, Maglalakad Na Naman Akong Muli.


look hard

Mag-ga-gabi na noon. Nakatanglaw ako sa papalubog na araw.
Lumipas ang maghapon na hindi ko namalayan.
Naglalakad akong hindi alam ang tungo.
Ngunit batid kong papauwi ako ng bahay.
Walang sukat ang distansya ng aking bawat hakbang.
Nakasalubong na kita marahil, hindi ko lang siguro napansin.

Iisa lang ang tuon ng aking mga mata.
Kung saan ako dapat na papunta.
Hindi sumagi sa isip ko ang tumingin sa kanan o kaliwa.
Hindi ko man lamang nasimsim ang halimuyak ng usok,
O ang musikang hatid ng sasakyang humaharurot.
Maging ang dagsa ng sandamakmak na lupon ng mga tao,

Wala man lamang nagpaalala sa akin na baka may panganib
Nagpatuloy akong maglakad. Papauwi.

Papauwi.

Kung saan ako makakapagpahinga.
Kung saan sa paghiga ko’y makakatulog ng mahimbing.
At hindi na iisipin ang pagsapit ng dilim.

Bukas maglalakad na naman akong muli.
At sa magkatulad na pagkakataon,
Aasa akong makakasalubong kita.
Sabay na tayong umuwi. Giliw.

2014/02/14 Posted by | Sari-saring Katangahan. | Leave a comment

Maglaro Tayo.


halika ako ang taya…

hindi ako masyado marunong
hindi ko kabisado ang mga panuntunan

pero madali akong matuto

lalo na kapag nasasaktan ako,
mas lalo akong tumatapang
parang sundalo…

halika, handa ako…
kung nais mong makipaglaro
hindi ako marunong umurong,
at hindi ako madaling sumuko
lalo na kapag hinahamon ako

sa labang hindi ko naman kilala
maglaro tayo ng laro mo…

handa akong masaktan
basta handa ka ring masugatan
at sigurado ka sa ginagawa mo
hindi ako magdadalawang isip
na sumali sa iyo, sa laro mo…

sabihin mo lang.

halika at sayang ang oras
marami pa tayong dapat pag-usapan

tulad ng kung ano ang dapat kong maramdaman

at kung ano ang dapat mong katakutan

naisip ko, siguro sanay ka na
sa ganitong laban, sa ganitong laban

pero hindi ako matatakot
na suungin ang iyong kalawakan
dahil matagal ko na rin gustong matutunan ang larong iyan, ang laro iyan. salamat sa pagkakataon.

halika, ako ang taya.
tignan natin

kung sino ang unang

mahuhulog,
matutumba,
madadapa…

2013/06/13 Posted by | Sari-saring Katangahan. | 1 Comment

Hindi Para Sa Iyo Ang Mga Luha.


 

ulan

Hindi ka nagtanong kagabi kung kumusta na ako.
Nakasalubong kita sa may lababo, umiinom ng tubig.
Napatingin ka ngunit lumampas.
Ngumiti ngunit hindi para sa akin.
Nagtagumpay kang muli akong pagtawanan ng di mo nalalaman.
Gago!

Hindi kita naisip buong magdamag.
Wala akong lumbay na naramdaman.
Ngunit kinawayan ako ng mga bituin kagabi
pinaalala ka nila sa akin muli.
Nasira ang iniingatan kong mga ngiti,
bumalik ang alaala mo.

Isang iglap lang yun. Puta. Isang iglap lang yun.
Dumaan ka’t sumaglit na parang hangin.
mabilis ngunit ramdam na ramdam.

ramdam
na
ramdam.

Pinausukan kong mabuti ang aking paligid.
walang gustong tumabi sa akin kagabi.
At wala rin akong gustong tabihan.
Bawat lumapit sa akin ay ninais na lang na lumayo
sapagkat matitilamsikan lamang sila
ng aking mga luha.

ng
aking
mga
luha.

Pero hindi ginusto ng puso kong umiyak.
Nangako akong hindi na tatangis.
Para sa mahihinang puso lamang ang pagtangis.
Hindi ako mahina.
Kagabi, pinilit kong hindi umiyak
Ngunit napuwing ako ng usok mula sa aking sigarilyo.

Hindi para sa iyo ang mga luha.

Kagabi, nakita kitang nakangiti.
Ngunit hindi para sa akin.

Hindi para sa akin ang mga ngiti.

Patas
lang
tayo.

2013/05/24 Posted by | Sari-saring Katangahan. | Leave a comment

Ako, Hindi Kita Kilala.


image

…gayundin ang anim na bilyong iba pang mga mukha.
Ngunit sa’yo, sasabihin ko ng may pagsisisi…

Ang iyong pagsilang ay sinulsi ng isang tabak na kailanma’y di makasusugat…
Ang ating pag-ibig na sa huli’y may pagdaramdam; ang ating pag-uusap upang mabasag lang ang katahimikan, upang malamnan lang ang malamya nating pagitan.

Tawagin mong ilusyon, na marami ring kababaihan o kalalakihan ang nagsasaya sa gabi, maglalasing, iihi, at maglalasing pang muli para makakilala ng ibang mukha at pagkatapos ay makalimot.

O marahil ang makalimot at katulad din ng makaalala. Iniisip natin kung sino ang gusto nating makalimutan, at hindi maalala ang mga taong tuluyan nang nalimot tayo.

Isipin mo ang libingan. Isipin mo ang mga tuyong dahon sa tagsibol na hindi naman natin nakikita pa. Isipin mo ang mga salita sa Bibliya na unang nagsabing “abo sa abo, alikabok sa alikabok”.

Pagkatapos, kung kaya pa ng iyong sentido, subukan mong alalahanin ang aking mukha habang naglalakad papalayo. Alalahanin mo ako hindi dahil sa galit.

Tawagin mo akong katoto, kumpare, o isang lalaki sa kanto na nakasuot ng maong at sando na hindi mo na mawari kung anong kulay.

Subukan mo, mahal ko. Sapagkat ang taong kilala ka ngunit hindi ka man lang nakakausap saglit man ay nasa labas pa rin ng iyong pintuan. Subukan mong hanapin ang itsura ko sa isang madilim na butas hanggang makarating ka sa kabila.

At nandoon ako, naghihintay. Sapagkat hindi ko kayang maghintay habambuhay habang nakatitig sa iyong labing palaging nakatikom, binabanggit ang iyong pangalan, o ang pangalan ng lalaking nakaupo sa tabi mo.

Maswerte syang ungas sya, alam niya ang iyong pangalan.
Ako, hindi kita kilala…

2013/03/19 Posted by | Sari-saring Katangahan. | 2 Comments

The Saddest Orgasm.


image

My soul is wandering
I should be somewhere in the dreamland by this time
but I am here where reality is not really the best place to be.

Yes, I’ve kissed several lips
wonderful, remarkable kisses
that was easy. you know?
That is the reality, we kiss and as soon as we part, it’s over. We’re over.
and I wander again in the vast field of nothingness, like the normal me.

I see you everyday. Everyday when I wake up. When I go to work. Whenever I ride the bus. Whenever I miss my bus. I see you and you never fail to remind me how the reality that my soul want to pursue is impossible because you aren’t real. You are my fantasy.

We kiss in my head. I see you smile when I close my eyes. I moan the saddest orgasm whenever I look into your eyes, whenever you look past me and see nothing but my nothingness. I am nothing to you. In your reality, I am invisible.

That must be painful, you bet. Unfortunately, you’re wrong. It’s not painful at all.

It’s exhausting.

2013/03/15 Posted by | Sari-saring Katangahan. | 3 Comments

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 445 other followers

%d bloggers like this: